Tuesday, January 13, 2009

FILIPINO CORNER



BUWAN NG WIKA
By: Evangeline

Ang Wikang Pambansa ang pinakamahalaga sa atin sa dahilang ito ang daan ng ating pagkamulat sa kamay ng mga mananakop, ito rin ang nagbigay daan sa ating pagkakabuklod-buklod at pagkakaisa natin bilang isang tao, iisang bansa at iisang salita. Ito rin ang nagbigay ng ating pagkakakilanlan sa buong kapuluan at bilang parangal natin kay Pangulong Manuel L. Quezon ang “Ama ng Wikang Pambansa,” ay taun-taon nating ipinagdiriwang and Buwan ng Wika tuwing Agosto.
Sa nakalipas na Agosto ay ipinagdiwang natin ang Buwan ng Wika sa temang: Maraming Wika, Matatag na Bansa. Ipinapahayag nitong kapag ang isang bansa ay maraming alam na salita na siyang ginagamit sa pakikipagtalastasan ay nagiging maunlad at matatag ito. Hindi natin maikakaila na marami tayong ginagamit na wika o dialekto gaya ng Cebuano, Waray, Igorot, Isneg, Kalinga at marami pang iba.
Ang ating palatuntunan ay nahati sa apat na paligsahan tulad ng katutubong sayaw, pagkanta, pagrampa at dagliang pagkukuwento. Ang unang naisagawa ay ang katutubong pagsayaw ng mga Kalinga na pinagkamitan nating ng ikatlong gantimpala sa pangunguna ni Bb. Erania Dumaguing ng BS Biology. Natunghayan din natin ang mga elegante at aral na aral na kilos ng mga modelo ng Luzon, Visayas at Mindanao. Ang mga modelo ng Arts and Sciences ay sa katauhan nina Bb. Renclyn Yapan at Bb. Ronalyn Solis na isinuot ang katutubong damit ng Mindanao. Ang dagliang pagkukuwento na isinabay sa pagdiriwang ng ating Sporsfest ay pinanalunan ni Bb. Evangeline T. Dawagan ng Ikalawang taon.
Lalo pang sumaya ang ating pagdiriwang dahil sa ipinamalas na kagalingan ng ating mga mananayaw na pinangunahan nina Bb. Mary Grace Apil at G. Jeffrey Micua ng ikalawa at unang taon sa kanilang Tinikling.
Naging matagumpay ang ating pagdiriwang ng Buwan ng Wika dahil sa kooperasyon at pagkakaisa natin sa paghahanda nito na nangangahulugan ng ating pagmamahal sa ating sariling wika.

0 comments: